Biyernes, Pebrero 24, 2017


Umuunlad na Bansa

Isinulat ni: Joshmyn Turno


     Umunlad nga ba ang Pilipinas? Yan ang tanong sa mga tao ngayon. Ano nga ba ang ibig sabihin ng umuunlad na bansa? Ito ba'y nakikita sa paggawa ng maraming imprastraktura o sa kalidad ng buhay ng isang tao? Ang mga Pilipino ay nakikilala bilang mga taong hindi susuko sa ano mang pagsubok na kanilang dinadaanan, sadyang may iba lang talaga na tamad. Ito ang isa sa mga rason kung bakit ang bansa natin ay hindi umuunlad, dahil sa katamaran. Palagi nating iniisip na hindi natin kayang gawin ito o iyan. Palagi tayong nakatuon sa mga masasama at sinasabi nating korupt ang ating pamahalaan. 

     Kung titignan natin ang GDP ng Pilipinas, ito nga ay umangat ngunit kung itatabi natin ito sa ating karatig na bansa, sadyang nakakahiya dahil sobrang laki ng tinaas ng kanilang GDP. Sa atin, may inangat nga ngunit kaunti lamang. Sinasabi nga na ika-anim na sa mga lumalagong ekonomiya ang ating bansa. May katotohanan dito at ito ay makikita natin sa SONA ngunit babalik pa rin tayo sa Pilipinas mismo. Oo, may tinaas ang ating ekonomiya ngunit paano naman ang mga Pilipino na nakikita natin sa gilid-gilid? Paano ang Quiapo? Ang Rekto? Ang Divisoria? Oo, may mga pagbabago dito ngunit, malaki ba ang pinagbago nito? Hindi naman, hindi ba? Ang mga Pilipino kasi, palagi tumitingin sa negatibong ginagawa ng ating pamahalaan. Oo, marami nga silang mali na ginawa ngunit bakit hindi natin intindihin ang kahit kauniting mabuti na kanilang nagawa. Kung magtutulungan ang lahat ng Pilipino, mas uunlad pa tayo kaysa sa inunlad natin ngayon.

     Kung ibubuod ko ang aking mga sinabi, oo, umuunlad ang Pilipinas ngunit kaunti lamang dahil hindi tumutulong ang mga kapwa Pilipino. Ang ginagawa lamang ng mga Pilipino ay mangsisi, mag rally at bumoto ng hindi magandang tao at sisihin lahat sa pamahalaan. Kung magsisimula tayong tumulong sa isa’t-isa at sundin ang ating gobyerno, mas aangat tayo kaysa sa ating sitwasyon ngayon. Kung ayaw naman natin sa gobyerno, dapat tayong mag-aral ng mabuti at ibahin ang ating sistema. Hindi dapat tayo puro salita, dapat tayo ay may gawa din. Tandaan, hindi kailanman huli para mag-aral ang isang tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento